PESO, magsasagawa ng Capacity Enhancement Training para sa mga OFWS

Muling magsasagawa ng Capacity Enhancement Training (CET) ang Provincial Employment Services Office (PESO) pangasinan sa ilalim ng Bantay-Barangay, tUlong Hanap Buhay (BBTH) program

Gaganapin ito sa Binmaley sa darating na August 23 kung saan dadaluhan ito ng mga Overseas Filipino Workers Family Association (OFWFA) barangay coordinators at zone volunteers ng naturang bayan

Kabilang naman sa aktibidad ang pagsasailalim sa anti-illegal recruitment, human trafficking at drug abuse seminar.

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, ang pinaka stratehiya ng CET ay naglalayon na maipalaganap ang volunteerism at self-reliance sa mga kapamilya ng mga OFWs at para mabigyan sila ng sapat na kakayahan na proteksyunan ang kanilang komunidad laban sa mga mapag samantalang tao.

Ang mga ‘zone volunteers’ ay siyang inatasan din na magbahagi ng impormasyon sa kani-kanilang mga miyembro, magbigay ng babala kung sakaling may mga illegal recruiters sa kanilang pamayanan at mag report ng drug abuse cases mula sa mga pamilya ng mga OFWs.

Speak Your Mind

*