PHO, nagbabala sa sakit na leptospirosis lalo na ngayong panahon ng tag-ulan

Muling pinaalalahanan ng Provincial Health Office (PHO) sa publiko na mag-ingat laban sa sakit na leptospirosis lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang leptospirosis ay isang sakit na nakukuha mula sa pagkakababad ng paa, sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Pangunahing sintomas ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mataas na lagnat o trangkaso, namumulang mata, naninilaw na balat, pananakit ng likurang bahagi ng binti at kulay tsaa na ihi.

Pinayuhan ni Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, Provincial Health Officer, ang mga mamamayan na iwasan ang lumusong sa tubig-baha upang makaiwas sa sakit.

Kung hindi naman umano maiiwasan, maaaring gumamit ng bota kapag lulusong sa tubig-baha.


Labing pitong bayan at lungsod sa Pangasinan, isinailalim na sa leptospirosis watch ng PHO

Isinailalim na ang labing pitong bayan at lungsod sa pangasinan sa leptospirosis watch ng Provincial Health Office (PHO).

Kabilang sa mga lugar na ito na may mataas na kaso ng leptospirosis ay ang bayan mangaldan na may 10 kaso ng leptospirosis; Sta. Barbara na may tatlong kaso; Aguilar, Balungao, Rosales, San Jacinto at Sual na may tig-dalawang kasong naitala; at Alaminos City, Asingan, Bani, Bayambang, Lingayen, Manaoag, Pozorrubio, San Manuel, San Nicolas at Tayug na may tig-isang kaso ng leptospirosis na naitala.

Batay din sa tala ng pho na may apat na biktima ng leptospirosis ang naitalang patay kung saan ang mga ito ay mula sa mga bayan ng San Nicolas, Tayug, Manaoag at Mangaldan.

Dahil dito, ipinag-utos na ni Provincial Health Officer, Dr. Anna de Guzman na magtalaga ng express lane sa mga ospital sa lalawigan para sa mga nilalagnat ng tatlo hanggang limang araw para ma-detect agad kung apektado ng leptospirosis ang pasyente.

Speak Your Mind

*