PHO, umaasa parin na mabibigyan ang pangasinan ng libreng Dengue Vaccine

Umaasa parin ang Provincial Health Office o PHO na mabibigyan ang lalawigan ng pangasinan ng libreng dengue vaccine ng Department of Health (DOH).

Ito ayon kay PHO Officer Dra. Anna de Guzman, matapos mapasama ang pangasinan sa dengue hot spot area o nasa yellow alert against dengue ng DOH.

Ganunpaman, sinabi ni de Guzman na patuloy parin nilang hinihikayat ng komunidad na maglinis ng kapaligiran, at tanggalin ang mga posibleng pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue virus.

Ipinapayo din ng pho para makakaiwas sa dengue fever, makiisa sa programa ng Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) at tandaan ang 4S, search & destroy o pagkalap at pagsira sa mga lugar na itlugan ng mga lamok, use self-protection o pagsusuot at paggamit ng mga proteksyon laban sa kagat na lamok, seek early consultation o agad na pagpapatingin sa doktor kung may lagnat na higit na sa 2 araw, say yes to fogging o pagsuporta sa  pagpapa-usok sa lugar na laganap ang dengue.

Speak Your Mind

*