Pinay swimmer na si Jasmine Alkhaldi, tanggal na sa Rio Olympics

Tanggal na sa Rio Olympics ang bente tres anyos na pinay swimmer na si Jasmine Alkhaldi.

Pumangatlo si Alkhaldi sa heat two ng one hundred meter free style competition.

Tinapos ni Alkhaldi ang naturang swimming event sa loob ng 56.30 seconds.

Limang Pilipino pa ang maglalaro sa Rio Olympics hanggang Agosto a-bente uno.

Sa ngayon ay nasa top five sa medal standings ang Amerika, China, Japan, Australia, at Hungary.

Habang nasa rank thirty six naman ang Pilipinas

 

Speak Your Mind

*