Posibleng pagtaas ng kaso ng suicide, pinangangambahan ng PHO

PHO Jairuz CarinoPinangangambahan ngayon ang posibleng pagtaas ng kaso ng suicide o pagpapakamatay sa bansa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Ammiel Jairuz Carino, Nurse Staff ng Provincial Health Office (PHO), na batay sa pag-aaral ng World Health Organization (Who) posibleng double ang itaas ng suicide rate sa bansa pagdating ng 2020.

Dahil dito, patuloy umanong isinusulong ng WHO na palaganapin ang pagtuturo para maiwasan ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng “National Suicide Prevention Month” ngayong Agosto.

Ayon pa kay Carino, mahalaga na magkaroon ng kaalaman ang publiko sa suicide lalot lumalabas sa pag-aaral ng Department of Health (DOH) na tatlo sa sampung pilipino ang nakakaranas ng depression na isa sa sintomas ng pagpapakamatay.

Kadalasan naman aniyang dahilan ng suicide ay ang problema sa pera, problem ng mag-asawa at problema sa pamilya kung saan mas mataas ang bilang ng mga lalaki nagpapakamatay.

Ang tinig ni Ammiel Jairuz Carino, Nurse Staff ng Provincial Health Office sa panayam ng Sonshine Radio

Speak Your Mind

*