PPJ, kabilang sa binahang lugar sa bayan ng Lingayen

Isinisisi sa hindi maayos na drainage system at mga baradong canal ang dahilan ng pagbaha na nararanasan ngayon sa bayan ng lingayen pangasinan.

Apektado rin nang pag-baha ang Pangasinan Provincial Jail (PPJ) dahil sa mababang lugar nito na pinatindi pa ng epekto ng high tide.

Ayon kay Ferdinand Natividad, Officer-In-Chargen ng PPJ, may nakalaang ng pondo para sa rehabilitasyon ng kulungan kung saan unang naaapektuhan dito ang mga preso.

Ilang barangay na mula sa low-lying area ng Lingayen ang binabaha gaya ng Libsong West kung saan ang itinuturong dahilan nito ang mga itinatapong basura sa bumabara sa mga kanal.

Samantala, bagamat walang nakataas na gale warning sa Pangasinan patuloy namang minomonitor ng PDRRMO ang mga mangingisda dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Speak Your Mind

*