PPO, ipapatawag ng SP dahil sa mga kaso ng extra judicial killings sa Pangasinan

Itatakda na sa susunod na linggo ang pagpapatawag ng sangguniang panlalawigan ng pangasinan sa Police Provincial Office (PPO) kaugnay sa nangyayaring summary execution sa lalawigan.

Ito ay para malaman umano ng provincial board sa question hour ang kalagayan ng probinsya sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Majority Floor Leader BM Nestor “Nikiboy” Reyes, nakakaalarma na umano ang naitatalang extra judicial killings lalo na ang mga kinasasangkutan ng mga ilegal drug user at pusher.

Kasabay nito, interesado rin umano ang Sangguniang Panlalawigan sa listahan ng mga opisyal na kasama sa binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Reyes na mahalaga na malaman nila ang validation ng PNP dahil kapansin-pansin aniya na pawang mula sa coastal area ang mga mayor na kasama sa listahan partikular na sa lalawigan ng La Union.

Nabatid na walong municipality sa lalawigan ang nasa coastline area kung saan kabilang dito ang bayan ng Bolinao.


PPO, handang sumagot sa nakatakdang pagpapatawag sa kanila ng Sangguniang Panlalawigan

Handa ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa nakatakdang pagpapatawag sa kanila ng sangguniang panlalawigan dahil sa mga isyu ng summary killings sa probinsya.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, walang dapat pangambahan ng PNP dahil pawang katutuhan lang ang kanilang ilalahad sa question hour ng SP.

Giit pa ni Candelario na ginagawa lamang ng kapulisan ang kanilang trabaho at sumusunod lang sila sa chain of command na kung ano ang inuutos sa kanila nang nakatataas ay yun ang kanilang ipatutupad.

Nabatid na mula noong Hulyo a-uno hanggang Agosto a-otso ay pumalo na sa animnaput walo (68) ang naitatalang namatay na mga sangkot sa ilegal drugs, dalawamput isa (21) rito ay mula sa police operation, tatlumpot anim (36) naman ay biktima shooting insident at labing isa (11) ang natagpuang cadaver.

Speak Your Mind

*