PPO, walang nakikitang masama sa nakatakdang pagpapatawag sa kanila ng SP

Walang nakikitang masama ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa nakatakdang pagpapatawag sa kanila ng sangguniang panlalawigan dahil sa isyu ng summary killings sa probinsya.

Na rito, itinakda na sa susunod na linggo ang pagdinig ng Provincial Board sa question hour ang kalagayan ng probinsya lalo na sa naitatalang extra judicial killings na kinasasangkutan ng mga ilegal drug user at pusher.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, sinabi nito na magandang pagkakataon para sa pulisya ang pagpapatawag ng SP dahil mailalahad narin nila ang nagawang trabaho.

 

Iginiit rin ni Candelario na ginagawa lamang ng kapulisan ang kanilang trabaho at sumusunod lang sila sa chain of command na kung ano ang inuutos sa kanila nang nakatataas ay yun ang kanilang ipatutupad.

Speak Your Mind

*