PRC, patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad para sa pangangalap ng dugo

PRC Raymond LimDalawang malaking aktibidad ang isinagawa ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter sa buwan ng Hunyo at Hulyo para sa pangangalap ng karagdagang suplay ng dugo sa lalawigan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer PRC-Pangasinan Chapter, ito ay ang World Blood Donors Day noong June 14 at National Blood Donors Month noong July 27.

Bahagi aniya ito na isang buwang selebrasyon ng National Blood Donors Month kung saan ibat-ibang aktibidad din ang isinagawa kabilang na ang Mobile Blood Donation at Blood Galloner Awards.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Lim na sapat ng suplay ng dugo para sa mga pangangailangan ng mga pasyente sa lalawigan.

Ang tinig ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

——-

120 unit ng dugo kada araw, kailangan ng Red Cross para sa pangangailanga sa buong Pangasinan

Nangangailangan ng 120 unit ng dugo ang Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter kada araw para matugunan ang pangangailagan ng mga Pangasinense.

Ito ang inihayag ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Dahil dito hinikayat ni Lim na lahat ng mga oganisasyon, LGU’S, at ibat-ibang ahensya ng gobyerno na maaari silang masagawa ng blood donation para magkaroon ng sapat na suplay ng dugo sa lalawigan.

Sa ilalim aniya ng bagong board resolution ng Red Cross, lahat ng mag-o-organize ng blood donation ay may tatlumpong porsyento sa kabuang nalikom na dugo ay mapupunta sa organizer.

Bukas naman ang mga tanggapan ng Red Cross sa Gracia Village, Brgy. Nangcayasan, Urdaneta City at Brgy. Herero sa Dagupan City na bukas para sa pagdo-donate ng dugo mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Speak Your Mind

*