PTCAO, pinaghahandaan na ang Regional Tourism Month na gaganapin sa Pangasinan

DOT Marife Acerit 1Pinaghahandaan na ng Pangasinan Tourism And Culture Affair Office ang Tourism Month Celebration na gaganapin sa buwan ng September.

Ayon kay Marife Acerit, Senoir Tourism Officer ng Pangasinan Tourism and Culture Affair Office, magsisilbing host province ang Pangasinan sa Regional Tourism Month Celebration na idaraos naman sa lungsod ng Alaminos.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ang PTCAO ang isasagawang Provincial Quiz Bee na lalahukan ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang munisipalidad ng Pangasinan kung saan ang mananalo rito ay magiging kinatawan sa Regional level.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ginanap naman ang Regional Tourism Month Celebration sa Vigan, Ilocos Sur.

Inaasahan naman na pagiging host province ng Pangasinan sa Tourism Month ay magdaragdag na mas maraming tourista na magtutungo sa lalawigan.

—–

Hundred Island National Park, nangungunang tourist distination sa Pangasinan

Nangunguna parin ang Hundred Island National Park sa dinarayong tourism spot ng mga foreign at local tourist sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Marife Acerit, Senoir Tourism Officer ng Pangasinan Tourism and Culture Affair Office (PTCAO) na ito ay dahil mas pinagandang Hundred Island ang sasalubong sa mga turista.

Kasama na umano sa nakakahikayat sa mga turista na magtungo sa isla ang pinagandang mga pasilidad at pagdaragdag ng mga amenities kabilang na rito ang ziplines at helmet diving.

Ayon pa kay Acerit, hindi rin nawawala sa dinarayo ng mga turista ang white sand sa Patar Beach sa bayan ng Bolinao na malaking ambag din dito ang pagkakaroon ng maraming hotels and resort.

Hindi rin naman aniya nawala sa pinupuntahan ng mga bisita sa lalawigan ang Capitol Groud sa bayan ng Lingayen dahil napanatili dito ang cultural heritage ng probinsya.

Ang tinig ni Marife Acerit, Senoir Tourism Officer ng Pangasinan Tourism and Culture Affair Office sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*