REDAS Training ng mga MDRRMO Officer ng Pangasinan, isinasagawa

PDRRMO Avenix ArenasKasalukuyang isinasagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang anim na araw na Rapid Earthquake, Damage Assesment System o REDAS Training na dinaluhan ng lahat ng mga MDRRMO sa buong Pangasinan.

Ang naturang REDAS Training ay may temang “mainstreaming disaster risk reduction into local development planning process through the provision and use of redas software.

Naniniwala naman si Avenix Arenas, Training at Information Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, na malaki ang maitutulong ng redas training para sa dagdag kaalaman na maibibigay ng philvocs.

Kabilang naman sa tinututukan ng REDAS Training ang posibilidad na epekto ng pagtama ng lindol o tsunami dahil ang lalawigan ng Pangasinan ay kabilang sa Manila trench na nasa bahagi ng West Philippine Sea.

Speak Your Mind

*