Rio Olympic Organizers, magpapagawa ng bagong Chinese flag.

Matapos ulanin ng batikos bunsod ng maling pwesto ng mga bituin sa watawat ng china, gagawan na lang ng organizing committee ng rio olympics ng panibagong watawat ang nasabing bansa.

Una nang sinabi Games Spokesman Mario Andrada, wala silang pananagutan dahil ang naunang watawat na kanilang ginawa ay inaprubahan ng Chinese Board.

Pero matapos ang mga batikos ay sinabi ni Andrada na ibinalik na nila ito sa supplier at gumagawa na ng panibagong sets ng Chinese flags.

Inaasahan ni Andrada na maide-deliver ang mga bagong watawat sa lalong madaling panahon.

Napuna ang maling watawat ng China, matapos ang pagkakapanalo ng kanilang atleta sa shooting at swimming events kung saan bahagi ng pagkakaloob sa kanila ng medalya ay flag raising.

Speak Your Mind

*