Sapat na suplay ng bangus sa Pangasinan, tiniyak ng BFAR

BFAR Westly RosarioWalang nakikitang masama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa plano ng pamahalaang panglungsod ng Alaminos na limitahan ang bangus production sa lugar.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), mahalaga para sa Alaminos ang malinis at kalidad na tubig dahil sa kanilang isinusulong na tourism industry.

At pinaka-magandang hakbang aniya rito ay iwasan ang kanilang aquaculture activities partikular na sa pag-aalaga ng bangus sa mga fishcages.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Rosario na hindi magkakaroon ng kakapusan sa suplay ng bangus dahil subra-subra pa ang bangus production ng lalawigan para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Speak Your Mind

*