School-based immunization, isinasagawa ngayong buwan ng PHO

PHO Dahlia DomantayNagsasagawa na ngayong buwan ng Agosto ang Provincial Health Office (PHO) ng pangasinan ang “School-Based Immunization Ngayon Na” na isanasagawa sa lahat ng pampubliko paaralan sa Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Dahlia Dumantay, Health Education Promotion of Family Health sa panayam ng DZRD Sonshine radio bilang bahagi sa programa ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Dumantay, pangunahing binabakunahan ang mga grade 1 hanggang grade 7 students ng anti-measles at anti-tetanus upang mapalakas ang kanilang immune system.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng immunization sa mga babae na nasa edad siyam hangang dose ng human papillomavirus para magsilbing proteksyon na hindi sila magkaroon ng cervical cancer.

 

Kasabay nito, patuloy naman ani Dumantay ang routine immunization program ng PHO sa mga city at municipal health center para sa mga sanggol na siyam na buwan pababa.

Speak Your Mind

*