Shared Service Facilities (SSF) project ng DTI, nagpapatuloy sa Pangasinan

DTI Natalia DalatenPatuloy ang Shared Service Facilities (SSF) project ng Department of Trade and Industry (dti) sa lalawigan ng Pangasinan.

Inihayag ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, ang SSF Project ay isang programa ng ahensya na tumutulong sa maliliit ng mga negosyante.

Sa ilalim ng SSF Project, ang DTI ay nagbibigay ng mga facilities, machineery, tools at equipment na magagamit ng mga negosyante sa pagpapalago ng kanilang produksyon.

Dagdag pa ni Dalaten na layun ng programa na SSF ay maturuan ang mga negosyante na mapataas ang kalidad ng kanilang produkto, mapaganda ang produksyon at maging competitive sa domestic at international market.

Kabilang naman sa benepisyaryo ng naturang proyekto ang mga kuwaliperadong kooperatiba, assosasyon o grupo na mula sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES).

Speak Your Mind

*