Shellfish industry, panahon na umano para isulong sa Pangasinan

BFAR Westly RosarioPanahon na upang palaguin ang shellfish industry sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Ayon kay Rosario, ang mga shellfish gaya ng tahong at talaba ay natural filter sa paglilinis ng maduming tubig sa karagatan.

Dalawa hanggang limang litrong tubig aniya ang kayang i-filter ng isang tahong kada oras.

Giit pa ng BFAR na bukod sa nakatutulong ang mga shellfish sa paglilinis ng tubig ay malaking tulong din ito sa mga fish farmer para sa kanilang livelihood partikular na ang mga residente ng coastal area.

Mas malakas din umano ang resistensya ng seabass kaysa sa ibang high value fish species tulad ng pampano at groupers.

Speak Your Mind

*