Stan Wawrinka, hindi na makakapaglaro sa Rio Olympics dahil sa tinamong injury

Hindi na maglalaro sa Rio Olympics si two-time major champion Stan Wawrinka dahil sa tinamong injury.

Sa isang pahayag ng management company ni Wawrinka, lalong lumala ang naramdamang sakit ng tennis star sa Rogers Cup sa Toronto, Canada na ginanap noong nakaraang linggo.

Kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na bawasan muna ang mga physical activities.

Hindi naman nakasaad sa naturang statement kung anong injury ang tinamo ni Wawrinka.

Bukod kay Wawrinka, umatras na rin sa Rio Olympics ang iba pang tennis star na sina Roger Federer, Milos Raonic, Tomas Berdych, at Dominic Thiem.

Speak Your Mind

*