Subway Project, pinaplano laban sa matinding trapiko sa Metro Manila

Plano ng Department of Transportation ang pagtatayo ng Subway Project sa Metro Manila para maresolba ang matinding problema sa daloy ng trapiko.

Ang planong Subway ay magkokonekta sa Capital Business District sa bansa tulad ng Makati, Maynila at Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Kasunod ito ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng DOTR na pag-aralamng mabuti ang Subway Project kung magiging epektibo para malutas ang masikip na daloy ng trapiko.

Ayon kay DOTR Undersecretary Noel Kitanar, ang Subway ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng Public-Private Partnership Scheme.

Sinabi pa ni Kintanar na kung matutuloy ang proyekto ay tiyak na magbibigay ng malaking benepisyo sa mga motorista at libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit o MRT-3, at LRT Line 1 at Line 2.

Speak Your Mind

*