Tax collection ng BIR Region 1 ngayong 2nd quarter, umabot na sa P2.1 billion

Tumaas nang nasa dalawamput tatlong porsyento ang naitalang tax collection ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa buong Region 1.

Batay sa tala ng Quarterly Income Tax Return Collection ng BIR Region 1, umabot sa P2.1 billion ang nakolekta ngayong taong 2016, kumpara sa kaparehas na pahanon noog 2015 na nasa P1.7 billion lamang.

Ayon kay Marina de Guzman, Officer-in-Charge Regional Director ng BIR, umabot sa mahigit P280 million ang nakolekta ngayong taon, pero malayo pa umano ito sa target collection sa buong taon.

Kasabay nito, ipinaalala ni de guzman sa mga tax payer ang deadline para sa 2nd quarter o quarterly income tax na hanggang sa August 15 para sa individual taxpayer at August 30 para sa corporate taxpayer.

Dagdag pa ng BIR na walang ipapatupad na extension sa pagbabayad ng buwis, at sakaling mabigo sa pagbabayad sa quarterly income tax return ay maaaring maharap sa 25% tax due, 20% interest per annum at compromise penalty.

Speak Your Mind

*