Tax Free sa Overtime Pay ng mga manggagawa, isinusulong

Isinusulong ngayon sa kongreso ang paglilibre sa buwis ng mga Overtime (OT) Pay ng mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill 2599 ni Batangas Rep. Vilma Santos Recto, Chairman ng Committee on Civil Service and Professional Regulation Committee, sakop ng panukala nito ang mga kawani ng gobyerno at manggagawa mula sa pribadong sektor.

Sakaling tuluyang maisa-batas, hindi na ma­isa­sama sa computation ng taxable income ng mga manggagawa ang kanilang ot.

Naniniala naman ang kongresista na sa ganitong pamamaraan ay matutulu­ngan ang mga empleyado na ma-enjoy naman ang pinansyal na kapalit ng kanilang pagpapagod sa mahabang oras ng trabaho.

Speak Your Mind

*