Tubig sa San Roque Dam, nananatiling mababa kahit nararanasan na ang pag-ulan

Nananatili parin kulang ang tubig sa San Roque Dam sa bayan ng San Manuel Pangasinan, kahit nararanasan na ang ilang bagyo at mga pag-uulan.

Sa ngayon, nasa 230.76 meters above sea level ang tubig sa san roque dam malapit sa 225 meter above sea level na minimum critical level ng dam.

Resulta umano ito ng naranasang El Nino noong nakaraang taon.

Ayon kay Engr. Virgilio Garcia, ng National Power Corporation, umaasa nalang ang pamunuaan ng san roque dam sa darating pang mga bagyo para mapunan ang kakulangan ng tubig para makapag-generate ng kuryente.

Sa ngayon, nananatiling kulang parin ang tubig sa itaas na bahagi ng srpc gaya ng ambuklao na nasa 740 meter above sea level pa lamang sa dapat sanay nasa 752 meter above sea level at ang binga dam na mayroong lamang na 569 meter above sea level na dapat sanay meron na sila ngayong 575 meter above sea level na reserba sa kanilang reservoir.

Speak Your Mind

*