U.S.A team, muling nasungkit ang gintong medalya sa Rio Olympics

Muli namang nasungkit ng team U.S.A Mens Basketball ang gintong medalya sa Rio Olympics.

Ito ay matapos na talunin ng koponan ang bansang Serbia sa iskor na 96-66.

Nanguna para sa team USA si Kevin Durant kung saan nakapagtala ito ng tatlumpung puntos habang nag-ambag naman ng labing tatlong puntos si Demarcus Cousins at Klay Thompson na may labing dalawang puntos.

Sa ngayon, nangungu pa rin ang usa sa mga bansang lumahok sa Rio Olympics na may pinakamaraming nasungkit na gintong medalya.

Hawak ng USA ang record na may 46 golds, 37 silver, at 38 bronse medal.

Sinundan naman ng bansang britanya ang USA na may pinakamaraming gintong medalya at pangatlo naman ang bansang China

Speak Your Mind

*