Urdaneta City, itinanggi na pinagbawalan niya ang mga muslims na manirahan sa lungsod

Pinabulaanan ni Urdaneta City Mayor Amadeo “Bobom” Perez IV ang mga balitang ipinag-utos nito na pagbawalan ang mga muslim na manirahan sa lungsod.

Ito ang nilinaw ni Mayor Perez, kasunod ng isinagawang demolisyon sa sitio Darusalam, Barangay Camantiles sa Urdaneta na itinuturong lugar ng mga tulak ng iligal na droga.

Mariin ding pinabulaanan ng alkalde na pinag-utos niya sa mga miyembro ng sangguniang panglungsod na magpasa ng batas na ipagbawal ang pagpasok ng mga muslim sa lungsod.

Aniya, lahat ng tao, maging ang mga Muslim Bother ay welcome na manirahan at magnegosyo sa lungsod, maliban na lamang sa mga hindi gumagawa ng tama at labag sa batas.

Ang hakbang lang aniya ng naturang demolisyon ay dahil sa pinalakas na kampanya laban sa ilegal drugs at upang masawata ang talamak ng iligal ng droga sa lungsod.

Una nang sinabi ni alkalde na hindi siya nakapanayam ang isang mamamahayag na gumawa ng aktikulo sa Manila Times.Net na “Pangasinan mayor backtracks on eviction”.

Speak Your Mind

*