Water elevation sa San Roque Dam, malayo pa umano sa critical level

Tiniyak ng National Power Corporation (NAPOCOR) na normal pa rin ang water elevation sa San Roque Dam sa bayan ng San Manuel kahit ilang araw ng nararanasan ang pag-ulan sa Pangasinan.

Ayon kay Engr. Virgilio Garcia, Chief Hydrologist at Dams, Reservior and Waterways Division ng NAPOCOR, malayo pa sa critical level ang water elevation sa dam kaya hindi pa sila maaaring magpalabas ng tubig.

Sa ngayon nananatiling nasa 252.39 meters above sea level ang water elevation ng san roque dam, malayo pa sa spelling level nito na 280 meters above sea level.

Dahil dito wala pa umanong dapat ikabahala ang publiko dahil halos nasa 30 meters above sea level pa ang kakailanganin bago maabot ang critical level nito.

Kasabay nito, patuloy naman pinapaalalahan ni Garcia ang mga risedente na nasa low-lying area na mag-iingat parin dahil sa posibilidad paring pagbaha.

 


 

NAPOCOR, tiniyak na may sinusunod na pamamaraan sa pagbibigay ng babala sa publiko

Nilinaw ng National Power Corporation na may sinusunod silang pamamaraan sa pagbibigay ng babala sa publiko sakaling mang magbukas ng gates ang San Roque Dam.

Ito ang inihayag ni kay Engr. Virgilio Garcia, Chief Hydrologist at Dams, Reservior and Waterways Division ng NAPOCOR sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ngunit ayon kay Garcia, kapag ganitong pa-ulan-ulan lang at malayo sa pagpapakawala ng tubig sa dam, ang babala ay magmumula lang sa Agno River Flood Forecasting and Warning System na posibleng pagmula din ng pag-baha.

Ganumpaman, makakatiyak naman aniya ang mga munisipalidad ng San Manuel, San Nicolas, Villasis, Tayug, Asingan at Bayambang kung saan may nakatayo silang warning station na may sapat silang komunikasyon sakali mang magkakaroon ng spilling gates ang dam.

Speak Your Mind

*