Whistleblower Sandra Cam, binanatan si Senador Leila de Lima

#Politic_Sandara Cam“Walang character assasination”

Ito ang naging pahayag ni Whistleblower Sandra Cam sa SMNI News Channel kaugnay sa serye ng bangayan nina Pangulong Rodrigo at Senador Leila de Lima

Ani Cam, hindi maituturing na character assasination ang mga pahayag ni Duterte laban sa senadora kundi isang pagpapatunay lang aniya sa koneksiyon nito sa illegal drug trade sa bansa partikular na sa loob ng New Bilibid Prison.

Dagdag pa ni Cam, hindi dapat na makalimutan ni de Lima na nauna itong nagbitaw ng pahayag para kay Duterte na babantayan nito ang kampanya ng administrasyon kontra droga.

Matatandaang humiling si Senador Leila de Lima kay Pangulong Duterte na itigil na ang mga paratang laban sa kaniya bilang paggalang sa kaniyang reputasyon at pagkababae bunsod ng pagkakasangkot umano nito sa illegal drug trade sa bansa.

Speak Your Mind

*