128 drug personality, namatay sa Pangasinan simula ng ipatupad ang wars on drug sa bansa

pumalo na sa isang daan dalawamput walo (128) ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Pangasinan simula nang ipatupad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang wars on drug sa bansa.

batay sa tala ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO), sa 128 na namatay, 24 dito ay namatay mula sa encounter ng mga otoridad, 87 ay mula sa shooting insident at 17 ay galing sa found cadaver.

samantala, ang bilang naman ng mga sumukong drug pushers at drug users sa lalawigan ng Pangasinan ay umabot na sa 16,754 drug pushers simula buwan ng Hulyo a-uno hanggang Septyembre ngayong taon.

ayon kay P/Supt. Ferdinand De Asis, hepe ng  Police Community Relations (PCR) ng PPO ito ay dahil sa pinaigting na operation double barrel at project oplan “tokhang” ng PNP.

ayon pa kay De Asis, sa naturang bilang 13,899 na mga drug personality ay bulontaryong sumuko habang nasa 2,855 sumuko sa mga kapulisya habang isinagawa ang “Oplan Tokhang”.

Speak Your Mind

*