2017 Proposed National Budget, isinalang na sa plenaryo ng kamara

Isinalang na sa plenaryo ng kamara ang panukalang 3.35 Trilyong Pisong budget para sa susunod na taon.

Ayon kay  Davao City Representative Karlo Alexei Nograles, inaasahang tatagal ng dalawang linggo ang marathon deliberations para mailusot sa ikatlo at huling pagbasa ang 2017 Proposed National Budget.

Si Nograles ang magsisilbing sponsor at dedepensa sa panukalang budget ng Adminitrasyong Duterte.

Kabilang sa isasalang sa deliberasyon ang panukalang budget para sa Department of Budget and Management, Department of Finance, Anti-Money Laundering Council, Government-Owned and Controlled Corporation at mga attached agencies.

Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay 11.6 percent na mas mataas kumpara sa kasalukuyang pondo ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*