21 drug personality, arestado sa ipinatupad na one-time, big time, anti-drug operation ng Dagupan City PNP

dalawamput isang (21) drug personality ang arestado sa isinagawang one-time, big time, anti-drug operation ng Dagupan City PNP sa loob lamang ng 24 na oras.

nasakote ang naturang mga suspect sa anim na ikinasang search warrant at drug buy-bust operation na kabilang sa wacth list ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Dagupan City PNP.

ayon kay P/Supt. Neil Miro, Officer-In-Charge ng Dagupan City PNP, lihetimo ang kanilang isinagawang operation dahil dumaan ito sa kanilang validation.

may basbas din umano ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ang kanilang isinagawang one-time, big time, anti-drug operation lalot hanggang ngayon ay nasa limampung porsyento pa lamang ng problema sa droga ang kanilang nasosolusyunan.

Speak Your Mind

*