24/7 hotline call services ng DOLE Region 1, ilulunsad ngayong araw

Ilulunsad ngayong araw ng Biyernes, Septyembre a-dos ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Regional office I ang 24/7 hotline call services na inaasahang magbibigay serbisyo sa publiko.

Ayon kay DOLE Regional Director Officer-In-Charge Honorina Baga, ang naturang aktibidad ay bilang tugon sa direktiba ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magtatag ng kani-kanilang hotline services.

Layon din umano nito na makapagbigay ng agarang tugon sa lahat ng mga manggagawang inaabuso at hindi maayos na kondisyon sa paggawa.

Dagdag pa ni Baga na nasa 10 mobile numbers ang maaaring tawagan ng mga magrereklamong manggagawa na pangangasiwaan naman ng mga action officer.

Kasama din sa mga isyung maaaring idulog sa 24/7 hotline services ang mga tanong kaugnay sa naayong pasahod, at iba pang benepisyo ng DOLE.

Narito naman ang mga numero tawagan, para sa Western Pangasinan-09502388066; Central Pangasinan-09355963448 at Eastern Pangasinan-09296942948.

Speak Your Mind

*