3 Project ng DPWH, makakatulong para maibsan ang pagbaha sa Dagupan

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maiibsan na ang nararanasang mga pagbaha sa lungsod ng Dagupan oras na matapos na ang tatlong proyekto na kasalukuyang isinasagawa ng ahensya.

Ito ang inihayag ni Bernard Caronongan, Information Officer ng DPWH- 2nd Engineering District ng Pangasinan kung saan ito ang drainage system at slope/bank protection projects.

Kabilang na aniya rito ang Agno-River Basin Flood Control Project na matatagpuan sa Barangay Bacayao Sur, Pogo-Lasip at Malued kung saan nasa tatlumpong porsyento nang natatapos.

Ayon pa kay Caronongan, inaasahang matatapos ang naturang mga proyekto sa darating na Disyembre ngayong taon.

Nabatid na malimit na makaranas ng mga pag-baha ang ilang barangay sa lungsod ng dagupan kahit na walang bagyo dahil maituturing nang water catch basin ng Dagupan sa buong Pangasinan.

Speak Your Mind

*