3 days Science and Technology Caravan, isasagawa sa San Fabian

Magsisimula ngayong araw ang tatlong araw ng Science and Technology Caravan ng Department of Science and Technology (DOST) na gaganapin sa San Fabian Sports Center sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Alexander Apostol, Science Research Specialist ng DOST-Pangasinan kung saan ito ang tatawaging “Juan Science, One Nation, para sa high school at “San Fabian for Every Juan” para naman sa elementary na magsisimula september 14 hanggang September 16.

Magkakaroon naman aniya ng ibat-ibang aktibidad kabilang na dito ang s&t exhibit, techno forum, technology demo, seminar and workshop, livelihood training at science magic & film showing.

Inaasahan naman ang pagdalo dito ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III at DOST Regional Director Armando Ganal upang saksihan ang naturang S&T exhibit.

Nabatid na ang Science and Technology Caravan ng DOST ay plano nang isagawa taun-taon sa apat na lalawigan sa Region 1 kung saan ngayong taon ay ang napili ang bayan ng San Fabian.

Speak Your Mind

*