4.2M livelihood assistance, ipinagkaloob sa ibat-ibang samahan sa Pangasinan

Umaabot sa 4.2 milyong piso na livelihood assistance ang ipinagkaloob ang Provincial Government sa may tatlumpot isang grupo ng kababaihan, farmers association at kooperative sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan

Ito’y sa ilalim ng Livelihood Assistance Program (LAP) ng probinsya kung saan layunin nito ng tulungan at bigyan ng karagdagang pagkakitaan ng naturang mga grupo.

Ayon kay Ellsworth Gonzales, Officer-In-Charge ng Provincial Population Office, ang kada grupo ang tumanggap ng livelihood assistance na P50,000 hanggang P180,000.

Nabatid na umabot na sa P70.16 milyon ang nailaang pondo sa nasabing livelihood program ng probinsya simula ng ipatupad ito noong nakaraang pang administrasyon ni dating Governador at ngayo’y 5th District Congressman Amado T. Espino Jr.

Speak Your Mind

*