AFP, walang namomonitor sa planong destabilisasyon

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na wala silang namomonitor na anumang planong destabilisasyon mula sa hanay ng militar laban sa Duterte Administration.

Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief col. Edgard arevalo matapos mabalitang may grupo mula sa Amerika ang nagpa-plano para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Arevalo na propesyunal ang kanilang hanay at may leksyon na umano silang natutunan sa mga nakalipas nilang karanasan.

Sinabi ni Arevalo na maganda ang relasyon ng Pangulo at ng AFP at walang dahilan para umapela sila sa kanilang hanay na nagpaplano ng destabilisasyon.

Aniya, maging sa hanay ng mga retiradong sundalo ay wala rin silang naomonitor na balak na kudeta.

Speak Your Mind

*