Akusasyon laban kay De Lima, peke raw gaya ng wig ni Justice Secretary Aguirre

Ikinumpara ni Senador Leila De Lima sa wig ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga akusasyon laban sa kanya kaugnay sa operasyon ng droga sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay De Lima, peke ang mga ebidensya ni Aguirre gaya ng buhok ng kalihim na isa lamang wig at hindi totoo.

Ang totoo, ayon sa senadora, ay ang nangyayaring patayan sa bansa.

Giit pa ni De Lima, sa halip na siya’y punahin, dapat umanong tutukan ng DOJ ang pagsisiyasat sa mga sindikatong nasa likod ng pagtutulak ng droga.

Dapat din aniyang imbestigahan ng DOJ ang mga diumano’y Vigilante Killings sa iba’t ibang parte ng bansa.

Speak Your Mind

*