Aljur Abrenica, nasaktan sa mga negatibong komento sa kanyang pag-arte

Inamin ng kapuso aktor na si Aljur Abrenica na nasaktan siya sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pag-arte.

Ito ay matapos bansagan ng ilang kritiko si Aljur na may “wooden acting’ simula nang gampanan nito ang titile role sa TV Version ng Machete noong 2011.

Dahil dito, ay pansamantalang nag-break ang aktor sa showbiz at nagbakasyon upang makapa-isip.

Kwento ni Aljur, muli niyang pinag-aralan kung paano ba gumaling sa pag-arte at nagbasa rin umano siya ng biography ng mga batikang aktor at humugot ng inspirasyon mula rito.

Matapos ito ginamit na raw ng aktor ang kanyang mga natutunan sa kanyang pag-arte ngayon.

Speak Your Mind

*