Anne Curtis at James Reid, nag-negatibo matapos na sumailalim sa drug test

Naki-join na rin ang TV host actress na si Anne Curtis at aktor na si James Reid sa mga  artistang sumailalim na sa drug test para patunayang hindi sila gumagamit ng illegal drugs.

Nag-negatibo naman ang resulta ng drug test ng dalawa.

Boluntaryong nagpadrug test ang kapamilya actress at actor matapos na mapabalita na diumano’y kasama sila sa mga artistang gumagamit raw ng bawal na gamot.

Sinabi naman nina Anne at James na sumusuporta sila sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Speak Your Mind

*