Serbisyo ng Dagupan City Water District, tiyak ng mapapaganda

Inaasahang magpapaganda sa serbisyo ng Dagupan City Water District (DCWD) ang bagong tayong water pumping station sa Brgy.Herrero-Perez.

Sinabi ni Engr. Adelfo Valle, General Manager ng DCWD, malaki ang maitutulong sa magandang suplay ng tubig ang bagong water pumping station  dahil sa high pressure nito na umaabot 23.5 liters per second.

Mas malawak na lugar din ang maseserbisyunan nito kabilang na ang mga karating barangay ng Caranglaan, Mayombo, Pogo Chico, Malued at Tapuac.

Maituturing na ang Brgy.Herrero-Perez ay isa ang busiest barangays sa lungsod ng Dagupan dahil dito nakatayo ang ilang tanggapan ng ahensya tulad ng  City Heath Office, Philippine Red Cross at Bureau of Fire Protection.

Samantala, inaasahan naman na susunod na mapapatayuan ng water pumping station ang Lucao District at Island Barangay ng Carael.

Speak Your Mind

*