Bahagi ng TPLEX sa Binalonan, bukas na sa mga motorista

Mabilis na ang biyahe mula Tarlac City papuntang Binalonan, Pangasinan matapos makumpleto ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway na tiyak na mabibinepisyu ang nasa 20,000 sasakyan kada araw

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, operational na ang TPLEX hanggang Binalonan.

Mula sa dating dalawa’t kalahating oras ay apatnapung minuto na lang ang biyahe mula tarlac patungong urdaneta, pangasinan.

Taong 2018 inaasahan namang tuluyang magiging operational ang bahagi ng Pozorrubio patungong Rosario, La Union.

Inaasahang nasa isandaang libong sasakyan ang makikinabang oras na magamit na ang kabuuan ng TPLEX sa 2018 na magpapaigsi ng byahe sa Gerona, Paniqui, Rosales, Urdanata, at Rosario.

Speak Your Mind

*