Balagan, Lanao Del Sur Mayor Edna Ogka-Benito, guilty sa kasong grave misconduct

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagbakante sa puwesto ni Balagan, Lanao Del Sur Mayor Edna Ogka-Benito.

Ito ay matapos umanong mapag-alamang guilty si Benito sa grave misconduct dahil sa pambabalewala umano sa mga established rules sa payment of salaries at pag-apruba sa mga leave ng mga empleyado nong 2014.

Binawalan na rin si Benito na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Nahaharap rin siya sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Speak Your Mind

*