Batas para sa pagtatayo ng mga Drug Rehabilitation Centers, minamadali

Hinimok ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa mambabatas na bilisan na ang pag-apruba sa panukalang batas na layong magtayo ng mga Drug Rehabilitation Centers sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu, masisimulan ang komprehensibong proseso ng pagtulong sa mga drug dependents kapag naisabatas na ang inihaing House Bill No 9.

Kabilang sa mga co-author ng nasabing panukala sina Speaker Pantaleon Alvarez, Majoirty Floor Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez at iba pa.

Una na rito, sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na prayoridad ng Duterte Admnistration ang rehabilitasyon bilang bahagi ng war on drugs.

Speak Your Mind

*