Bilang ng namatay sa sakit na leptospirosis, pumalo na sa labin isa katao

Pumalo na sa labin isa ang bilang ng namatay dahil sa sakit ng leptospirosis sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Septyembre ngayong taon.

Ang naturang bilang ay mula sa walumpot isang kaso na naitalang tinamaan ng naturang sakit mula ng maranasan ang suno-sunod na pag-ulan sa lalawigan.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), mas mataas ang naitala ngayong taon kumpara noong 2015 kung saan limamput lima lang ang nagkasakit ng leptospirosis at apat katao ang namatay.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, ang mga sintomas ng leptopirosis ay halos kaparehas ng mga sintomas ng sakit ng dengue at trangkaso gaya ng lagnat at pagsakit ng kasu-kasuan.

Karaniwan namang tinatamaan ng sakit na leptospirosis ang mga magsasaka dahil sa uri ng kanilang trabaho na palaging nakalubong sa tubig baha at putik.

Speak Your Mind

*