Bucayu, handang tumestigo sa imbestigasyon ng kamara

Nagpasabi na umano si dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na handa na itong tumestigo sa imbestigasyon ng kamara sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, matapos makatanggap ng feeler mula kay Bucayu.

Magugunita na si Bucayu ay ilang beses na idinawit ng mga bilibid inmates na nakinabang umano sa drug money mula sa mga drug lords sa loob ng Bilibid.

Samantala, sa susunod na pagdinig ng House Justice Committee sa Oktubre a-singko, ihaharap ni Aguirre ang security aides ni Senador Leila De Lima at sinasabing bagman na si Jonnel Sanchez.

Speak Your Mind

*