Buhay ng mga Centenarians, malaki ang mababago – Cong. Lagman

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na malaki ang mababago sa buhay ng mga Centenarians.

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Centenarians Act of 2016.

Ayonkay Lagman, na may-akda ng batas, welcome development ang ganap na pagpapatupad ng batas sa kanila ng tumataas na bilang ng mga pagpatay sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, ang mga Pilipinong umabot ng isandaang taon ang edad ay makakatanggap ng 100 thousand pesos mula sa National Government.

Bukod pa rito ang ibibigay na Cash Incentives ng siyudad o munisipalidad kung saan residente ang Centenarian.

Inaasahan namang tataas ng 10.25 percent ang bilang ng mga may edad animapung taon pagdating ng 2025, kaya dapat niyang pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng National Policies para sa mga Senior Citizens.

Speak Your Mind

*