Buwanang pagbabayad ng Philhealth Premium ng mga miyembro, aprubado na

Aprubado na ang buwanang pagbabayad ng Philhealth Premium simula nitong septyembre 20 sa ilalim ng inalabas na polisiya ng Philhealth Sercular 2016-025.

Ito ayon kay Keith Giomeer Petrola, Membership Section Information Officer-Designate, sa programang sagot ka ng Philhealth”  sa DZRD Sonshine Radio.

Dahil sa buwanang pagbabayad, mas magiging magaan na ang pagbabayad ng mga philhealth member at masisiguro na rin ang kanilang tuloy-tuloy na pagbabayad ng Philhealth Premium contibution.

Target umano ng naturang polisiya na mabigyan ng pagkakataon ng mga miyembro na nasa informal sector na makapagbayad ng Philhealth Premium sa mas maliit na halaga na p200.

Nilinaw naman ni Petrola na maaari pa namang magbayad ng quarterly, semi-annual at annualy ang isang miyembro ng Philhealth.

Speak Your Mind

*