Chief PNP, hindi muna makikipagsabayan sa senate probe sa Davao Death Squad

Ipapaubaya na muna ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga senador ang fact finding investigation sa mga pulis na idinadawit sa Davao Death Squad.

Sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa din sila ng sariling imbestigasyon lalo na’t sangkot dito ang ilang mga tauhan ng pambansang pulisya.

Matatandaan na una ng pinangalanan ng self confessed criminal na si Edgar Matobato ang ilang pulis na kasama niya umano sa pagpatay sa daan-daang tao.

Kaugnay nito, tiniyak ni Dela Rosa na hindi nila pagtatakpan kung may pagkakamali ang kaniyang mga tauhan.

Giit ni Dela Rosa na dapat patunayan ng nag-aakusa ang mga alegasyon at hindi ang mga mapanirang salita lamang na nakakaapekto sa hanay ng PNP.

Speak Your Mind

*