China, patagong bumubuo ng artificial island sa Scarborough Shoal

Inakusahan ng Pilipinas ang China na bumubuo umano ng secret island sa Scarborough o Panatag Shoal na bahagi ng pinag-aagawang West Philippine Sea.

Naglabas ng mga litrato ang Pilipinas bago ang pulong ng mga leader sa Southeast Asia at ni Chinese Premier Li Keqiang sa Laos.

Ipinapakita ng mga inilabas na larawan na naghahanda na ang mga barko ng China na bumuo ng artificial island sa Scarborough.

Nakunan umano ang mga larawan noong nakaraang weekend kung saan nagsasagawa ang mga barko ng China ng dredging at iba pang aktibidad para makabuo ng artipisyal na isla.

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, patuloy ang monitoring sa mga ito na aniya’y nakakabahala.

Sa pamamagitan ng isang artificial island sa Scarborough Shoal, magkakaraoon ng base militar ang China malapit sa pwersa ng Amerika na regular na nag-ooperate sa Luzon.

Noong Hulyo ay naglabas ng desisyon ang United Nations Tribunal na pumapabor sa pilipinas sa agawan sa naturang teritoryo.

Matatandaang sinabi ni Duterte na hindi niya tatalakayin ang agawan sa teritoryo sa ASEAN Summit.

Speak Your Mind

*