CHO Dagupan, nakapagtala ng tatlo kaso ng namatay sa leptospirosis

Patuloy na nagbabala ang City Health Office (CHO) ng lungsod ng Dagupan sa publiko laban sa sakit na leptospirosis na karaniwang nakukuha sa tubig baha.

Batay sa tala ng CHO, tatlo katao na ang namatay sa sakit na leptospirosis ngayong linggo kasabay ng kasagsagan ng mga pagbaha.

Ayon kay Dra. Windy Bernardo, Spokesperson ng CHO na ang mga namatay na biktima ng leptospirosis ay pawang mga matatanda na mula sa barangay Malued, Mayombo at Pogo Chico.

Dahil dito, nakatakdang mamahagi ang CHO ng gamot ng doxycycline sa barangay kung saan may nagpositibo sa sakit na leptospirosis para maagapan ang paglanap ng naturang sakit.

Ipinapayo din ng mga health expert na iwasan ang paglusong sa tubig baha lalo na kung may sugat, pero kung hindi maiiwasan ay magsuot ng bota bago lumusong sa baha.

Speak Your Mind

*