Comelec, naniniwala sa posibilidad na nagagamit ang election ng mga narco-politics

May posibilidad umanong nagagamit nga ng mga narco-politic ang Barangay at Sangguniang Kabataan o Sk Election.

Ito ayon kay Dagupan Comelec Officer Atty. Erickson Oganiza, ay bilang reaction sa teorya ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagagamit ang ilegal na droga o Narco-Politics sa Barangay at SK Election kayat inihain ang postponement ng election

Ngunit ayon kay Atty. Oganiza, mahirap patunayan sa panig ng Commission on Election na patunayan ang naturang teorya dahil ang kanilang record ay base lamang sa mga inihahaing Certificate of Candidacy o COC ng mga politiko.

Samantala, dahil sa naturang postponement ng Barangay at SK Election ngayong darating na Oktobre, inaasahang maisasagawa naman ito sa Oktobre 23, 2017.

Speak Your Mind

*