Cong. Espino, inisa-isa ang dahilan bakit hindi siya sangkot sa ilegal na droga

Mariing pinabulaan ni Pangasinan 5th District Rep. Amado T. Espino Jr., sa kanyang pagharap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang pagkakadawit ng pangalan niya sa drug matrix sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Espino kay Pangulong Duterte na nagtataka siya kung paanong nadawit siya sa transaksyon ng ilegal na droga kasama ni Sen. Leila de lima.

Iginiit ni Espino na maliban sa hindi magandang relasyon sa senadora ay wala siya ni isang kakilala sa loob ng NBP, hindi rin aniya kilala ang driver ni Sen. de Lima maging si Retired DUCOR Director Frank Bucayo.

Sa katunayan sinabi ni Espino, na noong dating DOJ Secretary si de Lima ay pinangunahan nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya para masira ang kanyang reputasyon.

Dagdag pa ng kongresista na makikita naman sa kanyang mga service record mula sa kanyang pagiging PNP Official hanggang sa maging gobernador at kongresista ay mahigpit ang kanyang kampanya sa iligal na droga.

Patunay aniya rito ang pagsusumikap niya maipasa ang batas na RA 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 bilang siya ang pangunahing may akda ng batas.

Speak Your Mind

*