Cong. Espino, personal na itinanggi kay Duterte ang pagkaka-sangkot sa drug matrix

Personal nang nakapag-paliwanag si Pangasinan 5th District Congressman Amado Espino Jr., kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umanoy pagkakasangkot niya sa National Bilibid Prison (NBP) illegal drug matrix.

Batay sa statement ni Espino, sa kanyang pakikipagpulong sa pangulo sa Malakanyang kahapon ay hiniling niya na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa nasabing drug matrix.

Sinabi din ni Espino na handa umano siyang patunayan at humarap sa anumang ebidensya na ilalabas laban sa kanya.

Sa kanilang pagpupulong, sinabi ng kongresista na pinagbigyan ng pangulo ang kanyang kahilingan na agad magsasagawa ng investigation at validation ng drug matrix na isinumitte sa kanya.

Samantala, tiniyak naman ni Espino kay Duterte ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan ng pangasinan sa anti-drug campaign at iba pang proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Speak Your Mind

*